ORION, Bataan – Isang 27-anyos na lalaki ang dinakip ng mga kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group o Bataan CIDG makaraang magtago sa loob ng halos dalawang taon sa kaso nitong rape habang nakikipag-usap sa loob ng condo mart sa Balanga City lalawigang ito.
Walang kapalagpalag ang suspek habang pinopusasan ng mga tauhan ng CIDG. Kinilala ito ni Bataan CIDG Chief P/Chief Insp. Ruben Solomon Tampis na si Frean Casupanan ng Barangay Villa Angeles, Orion.
Nag-ugat ang nasabing kaso dahil sa reklamong idinulog ng isang menor- de-edad sa tanggapan ng Orion Police noong Mayo 2006 matapos itong molestiyahin ng suspek sa loob ng kanilang tahanan sa Orion. (Jonie Capalaran)