^

Probinsiya

Opisyal ng Navy durog sa trak

-

CAMP TOLENTINO, Bataan – Napaaga ang karit ni kamatayan laban sa isang opisyal ng Phil . Navy makaraang sumalpok ang kanyang kotse sa likurang bahagi ng trak na nakaparada sa gilid ng Roman Superhighway sa Brgy. Lu­canin sa bayan ng Mariveles, Bataan kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa DND Hospital ang biktimang si Lt. Arlene Dela Cruz, 34, ng Marikina City at asst. director for Administration and Discipline ng Department of Midshipmen Affairs ng Maritime Academy of Asia in the Pacific na nakabase sa Camaya Point, Brgy. Alas-Asin, Mariveles. Ayon kay P/Senior Supt. Manuel Gaerlan, provincial police director, nayupi ang Toyota Corolla (TJF 505) ng biktima na pa­tungo sana sa Balanga City nang sumalpok sa trak (CEC 630). Sumuko naman sa pulisya, ang drayber ng trak na si Fernando Balmocina ng Baliuag, Bulacan. (Jonie Capalaran)

Mga baril, bala nasabat sa pier

BATANGAS CITY, Ba­tangas – Nasabat ng mga ta­uhan ng Batangas Coast Guard ang ilang pirasong baril at mga bala habang nagsa­sagawa ng inspection sa mga bagahe ng pasahero sa Ba­tangas Pier patungong Calapan sa Oriental Min­doro noong Lunes ng umaga. Kinilala ni Lt.Commander Troy Cornelio, hepe ng Ba­ta­ngas Coast Guard, ang pasa­he­rong may dalang mga kon­trabando na si Al­ber­tina Morales. Ang bagahe ni Morales na pasakay na sana M/V Super­cat 20 nang masabat ng Phil. Coast Guard- K9 unit, Coast Guard Station Batangas Boarding Team at Field Station Southern Tagalog Team. Kabilang sa kinumpiska ay dala­wang Armscor cal.45 pistol at 300 bala; Norinco cal 9mm pistol at 200 bala; Taurus cal. 40 at 50 bala; 12-gauge Akkar shotgun at 50 bala; 1000 bala ng cal. 22; 2 double spring stabilizer; 15 bote ng gun oil; 5 magazine pouch­es at 2 holster holder. Ayon sa ulat, walang ma­ipakitang dokumento si Morales para sa nasabing armas na nagka­kahalaga ng P209,595. Sa pahayag ng suspek sa pulisya, pambenta uma­no nila sa kanilang gunstore sa Min­doro ang mga na­sabat na ar­mas pero hindi nakunan ng ka­rampatang papeles para dito. (Arnell Ozaeta) 

Dalagita kinatay ng lolo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang dalagita makaraang pagsasaksakin ng isang 75-anyos na lolo kahapon ng umaga sa Barangay San Pedro, Sto. Domingo, Albay. Hindi na umabot ng buhay sa Albay Doctors Hospital si Meann Ban­suela, 14, habang naaresto naman ang suspek na nag­tangka pang mag-suicide na si Loreto Dagsil, biyudo at residente ng Barangay Sto. Domingo sa nabanggit na bayan. Base sa police report, natiyempuhan ng suspek na natutulog ang biktima saka pinasok sa kuwarto at isinagawa ang kri­men.Napag-alaman na nagtago ang suspek sa loob at nagtangakang magpakamatay subalit naagapan ng mga awtoridad. May teorya ang pulisya na naghiganti ang suspek dahil sa kasong rape na isinampa ng biktima laban sa matanda. (Ed Casulla)

vuukle comment

ADMINISTRATION AND DISCIPLINE

ALBAY DOCTORS HOSPITAL

ARLENE DELA CRUZ

ARNELL OZAETA

AYON

BALA

BALANGA CITY

BARANGAY SAN PEDRO

COAST GUARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with