Rizal, nasa top 10 earners

RIZAL – Nakasama ang lalawigan ng Rizal sa listahan ng unang sampung lalawigan sa buong bansa na may pinakamataas na revenue earning na P1.361 bilyon sa 2007, ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA).

Sa lahat ng mga probinsya sa bansa, ang lalawigan ng Rizal ay may pinakamataas na net income na P577.05 milyon na kumakatawan sa 42 porsiyento ng total income nito.

Nasa ika-9 na puwesto ang Rizal sa top revenue earning provinces sa bansa. Kabilang sa mga probinsyang may pinakamatataas na income noong 2007 ay: Bulacan (P1.807-B); Negros Occidental-B), Pangasinan (P1.482-B); Batangas (P1.386-B); Quezon (P1.36-B), Rizal (P1.361-B) at ang Bukidnon (P1.295-B).

Ang mga munisipalidad naman sa Rehiyon 4-A o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang nanguna sa listahan ng mga bayang may matataas na revenue.

Ayon pa rin sa ulat ng COA, gumastos ng P194.79 bilyon o 9.73 porsiyentong pagtaas ang mga lokal na pamahalaan noong 2007 kumpara sa P177.53 bilyon noong 2006.

Ang mga probinsiya ng Negros Occidental, Bulacan, Cebu, Cavite at Quezon, ang gumastos ng malaki, samantalang ang mga lungsod ng Manila, Quezon, Makati, Davao at Pasig ang may pinakamataas na paggastos.

“Ang Rizal, tuwina’y palaging nasa puwestong ito kung pananalapi ang pag-uusapan. Ito ay resulta ng epektibo at pinag-ibayong pamamahala sa pananalapi na magbibigay benepisyo sa aking mga kababayan,” pahayag ni Gob. Jun Ynares III.

Show comments