^

Probinsiya

Aktibista itinumba

-

Isa na namang kaso ng extra-judicial killing ang naitala makaraang mapas­lang ang isang lider mili­tante sa Davao City noong Sabado ng gabi.

Sa naantalang ulat na naka­ rating kahapon sa Camp Cra­me, kinilala ang biktima na si Vicente Pag­linawan, 51, vice pre­sident ng Pamban­sang Kilu­ san ng mga Samahang Mag­­sa­saka (Pakisama) sa Min­danao.

Si Paglinawan ay tuma­tayo ring chairman ng gru­pong mi­ litanteng Akbayan sa kanilang bayan.

Base sa imbestigasyon, na­ganap ang krimen ha­bang ang biktima ay pauwi sa Mala­baog sa Paquibato District nang pagba­barilin sa ulo ha­bang bumibili sa tindahan.

Sa tala, si Paglinawan ay ika-5 lider aktibista na pinas­lang sa Mindanao at ika-2 sa Davao City mata­pos namang tamba­ngan at mapatay ang lider mag­sa­saka na si Celso Pojas ng Kilusang Magbubu­kid ng Pilipinas noong Mayo 2008.

Kaugnay nito, kinon­dena naman ng nasabing grupo ang pagpaslang kay Paglina­wan at sinabing naniniwala silang pulitika ang motibo.

“We in Pakisama condemn in strongest possible terms this dastardly and cowardly act of his murderers. If  they thought that killing him will sow fear and stop us and the broad peasant movement from pursuing their planned activities in the coming days, they were mistaken,” paha­yag ng national coordinator ng Pakisama na si Soc Banzuela. (Joy Cantos)

CAMP CRA

CELSO POJAS

DAVAO CITY

JOY CANTOS

KILUSANG MAGBUBU

PAKISAMA

PAQUIBATO DISTRICT

SAMAHANG MAG

SHY

SI PAGLINAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with