DAGUPAN CITY—Pitong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Acetylene Gang na bumibiktima ng mga bahay-sanglaan sa Pangasinan, La Union, Tarlac, Nueva Ecija at Baguio City ang naaresto ng pulisya noong Lunes ng hapon sa Dagupan City, Pangasinan. Kinilala ni P/Supt. Mariano Luis Verzosa Jr., hepe ng Dagupan City PNP, ang mga suspek na sina Rodolfo Laguipin ng Santiago City, Isabela; Roel Kadangan ng La Trinidad, Benguet; Rocky Damapa ng La Trinidad, Benguet; Ricky Alangsab ng Baguio City; Joseph Retuya ng Calasiao, Pangasinan; John Abad ng Taguig City; at si Alipio Buteng ng La Trinidad, Benguet. Base sa police report, ang mga suspek na lulan ng dalawang sasakyan na may plakang PSA 497 ay naispatan sa parking area ng mall kung saan naunang umiwas sa PNP checkpoint sa bayan ng San Fabian. Nasamsam sa mga suspek ang anim na baril at dalawang Granada. Cezar Ramirez