^

Probinsiya

Airport tinaniman ng bomba

-

Nasilat ng mga awtoridad ang posibleng pagpapasabog sa bahagi ng Jolo airport makaraang madiskubre ang itinanim na bomba ng mga bandidong Abu Sayyaf ka­makalawa. Sa phone interview, sinabi ni Col. Eugenio Clemen, commander ng 3rd Marine Brigade dakong alas-9 ng umaga nang ma-detonate ang improvised explosive device (IED) ng mga tauhan ng Explosives Device and Ordnance team ng militar. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang nag-iwan ng kulay berdeng bag sa airstrip ng nasabing paliparan bandang alas-8 ng gabi. Ki­nabukasan ay agad na ini-report ng ilang concerned citizen sa Philippine Marines, ang inabandonang bag kaya naagapan ang paghahasik ng lagim ng mga terorista Joy Cantos

3 bata hinigop ng pool

CAVITE – Kamatayan ang sumalubong sa tatlong bata makaraang malunod sa swimming pool sa loob ng kolehiyo sa Barangay Molino East, Bacoor, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Emmalyn Mandreza, 6; Angeline Mandreza, 4; at si John Michael Casañes, 5. Huling na­­mataan ang mga biktima na mag­kakasamang naglalaro bago pumasok sa isang kolehiyo kung saan ay may swimming pool na nilulumot na. Hindi naman nabatid kung papaano nakapasok ang mga biktima sa establisimyento na may security guard. Nagbigay naman ng pahayag ang pamunuan ng eskuwe­lahan na sasagutin nila ang anumang gastusin sa pagpa­palibing ng tatlo. Cristina Timbang

Negosyanteng babae hinoldap

NUEVA ECIJA – Isang babaeng negosyante ang iniulat na natangayan ng malaking halaga at celfone makaraang holdapin ng ilang kalalakihan sa waiting shed na sakop ng Barangay Las Piñas sa bayan ng Peña­randa, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Nakilala ng pulisya ang biktima na si Francisca Mendoza y Nieto, 45, may-asawa at residente ng Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, provincial police director, isa sa apat na holdaper ay nakilalang si Marlon Santos y Santiago ng Brgy. Pam­buan, Gapan City. Sa im­bes­tigasyon, lumilitaw na hini­hin­tay ng biktima ang kaibigang negosyante nang lapitan at holdapin ng apat na kalalakihang sakay ng da­lawang motorsiklo. Christian Ryan Sta. Ana

Kano nag-suicide sa selda

Pinaniniwalaang depresyon ang isa sa motibo kaya nag-suicide ang isang  Kano sa loob ng kulungan ng him­pilan ng pulisya sa bayan ng Bantayan, Cebu ka­makalawa. Idineklarang patay sa Bantayan District Hospital si Paul Cortis Agostinelli ng Brgy. Binaobao, Bantayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, inaresto ng pulisya si Agostinelli matapos ireklamo ng pambubugbog sa kanyang Pinay na ka-live-in at alarm and scandal naman ng kanilang mga kapitbahay. Habang nasa ku­lungan, dalawa rin sa mga preso ang sinaktan ni Agostinelli matapos itong magwala. Hindi pa nakuntento, hinila rin ni Agostinelli ang nakalawit na linya ng kuryente sa loob ng selda at kinuryente ang sarili hanggang sa mamatay, base na rin sa testimonya ng ilang  kasama nitong preso. Joy Cantos

ABU SAYYAF

AGOSTINELLI

ANGELINE MANDREZA

BANTAYAN DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY LAS PI

CAMP CRAME

JOY CANTOS

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with