Misis inararo ng crane, ded

BATANGAS CITY – Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 42-anyos na babae maka­raang maipit ng crane na umararo sa isang tinda­han sa Barangay Pinamu­can, Batangas City, Ba­tangas kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Ma­nuel Abu, Batangas City police chief, ang biktima na si Delia Ebreo Panga­niban, habang sugatan naman at ginagamot sa Bauan General Hospital sina Edgardo Banda, Lito Macan at El­mer Areta na pawang mga pahinante ng 20-tonner rough terrain crane na pag-aari ng Rey Tech Construction.

Samantala, kaagad na­mang tumakas ang crane driver-operator na si Ron­nie Macatangay matapos ang insidente.

Base sa police report, binabagtas ng naturang crane ang kahabaan ng highway nang mawalan ng control ang drayber ng truck at sumalpok sa tin­dahan na pag-aari ni Ro­senda Arcega Cueto ban­dang alas-4:30 ng mada­ling-araw.

Napag-alamang naka­tayo lamang si Panganiban sa harap ng tindahan ha­bang nag-aantay ng ma­sasakyang jeepney pa­tungo sana ng palengke nang mahagip ng crane. (Arnell Ozaeta)

Show comments