^

Probinsiya

Bata todas sa tahong

-

Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa isang 4-anyos na lalaki habang wa­long iba pa ang na-ospital ma­karaang ma­lason sa kinaing tahong na pinani­walaang kontami­nado ng red tide sa bayan ng Polangui, Albay, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktimang naisugod pa sa Isip General Hospital ay nakilalang  si Paulo Dolz, sa­mantalang ang mga ka­patid ni Paulo na sina Grace Ann, 9; Erlyn, 11; Angela, 2; Mike Errol, 3; John Alfred, 7, at ang mga magulang na sina Eden Dolz at Wilfredo Dolz ay patuloy na inoob­ser­bahan ng mga doktor.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Joel Baloro, provincial police director na isinumite sa Camp Crame, na isang Tirso Aguilar ng Bgy. Lani­gay, Polangui ay bumili ng tahong kay Eden Samorin sa Po­langui Public Market, sa Brgy. Basud.

Napag-alamang idine­liver ng isang nagnganga­lang JC mula sa Sorsogon City kung saan niluto ni Tirso ang tahong na binili at ibi­nigay sa kanilang kapitbahay na si Wilfredo Dolz na kinain ng buong pamilya nito pa­sado alas-6 ng gabi noong Huwebes.

Gayon pa man, kaha­pon ng madaling-araw ay naka­ramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang buong pa­milya Dolz kung kaya’t isinu­god sa nabang­git na ospital subalit nama­tay na­man si Paulo habang ginagamot. Joy Cantos

CAMP CRAME

EDEN DOLZ

EDEN SAMORIN

GRACE ANN

ISIP GENERAL HOSPITAL

JOEL BALORO

JOHN ALFRED

JOY CANTOS

MIKE ERROL

SHY

WILFREDO DOLZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with