Empleyado ng munisipyo tinambangan todas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang drayber ng garbage truck na em­pleyado ng lokal na pama­halaan ang nasawi matapos tambangan at pagbabarilin ng ‘di-nakikilalang suspek na nag­hahakot ng basura sa Sitio Marubanban, Barangay Bagong Sirang, Pili, Cama­rines Sur kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Arnulfo Tormes, 48, may asa­wa, empleyado ng munisipyo ng Pili, at residente ng Zone 3, Barangay San Jose ng na­turang bayan.

Matapos ang ginawang pamamaril ng suspek ito ay kaagad naman na tumakas na sumakay sa isang m­otor­siklo na walang plaka.

Ang suspek ay may ka­tam­ taman na pangangatawan at may taas na 5’4. (Ed Casulla)

Show comments