^

Probinsiya

Trahedya sa NLEX: 6 patay, 50 sugatan

-

Anim-katao ang iniulat na nasawi kabilang ang isang law student ng Ateneo ha­bang aabot naman 50 iba pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang pampa­sa­herong bus at kotse sa isa na namang trahedya sa ka­ habaan ng North Luzon Ex­pressway (NLEX) sa bayan ng Dau, Pampanga kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating ka­hapon sa Camp Crame, sinabi  ni P/Senior Supt. Fer­nando Villanueva, hepe ng Highway Patrol Group 3 na kabilang sa mga nasawi ay si Ruth Dyan Ferrer, law student ng Ateneo Profes­sio­nal School Library base sa nakuhang identification card.

Si Ferrer ay sakay ng To­yota Revo (XHE 829) na may banyagang drayber na na­matay rin sa insidente at ka­salukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan.

Ang apat na namatay na kabilang ang drayber ng bus ay bineberipika pa ang pag­kiki­lanlan habang ang mga su­ga­tang pasahero ng bus ay nasa Dau District Hospital at San Rafael Hospital sa Angeles City.

Sa inisyal na imbestigas­yon, lumilitaw na patungong northbound ang Fermina Bus (NYN 688) na minama­neho ni Bernardo Santos ng Ma­ngaldan, Pangasinan na may lulang 62 pasahero nang magkaproblema sa makina.

Bunga nito ay tuluy-tuloy na gumiray pakaliwa  sa southbound lane ng NLEX ang bus kaya nasalpok ang kasalubong na Toyota Revo na sinasakyan ni Ferrer ha­ bang bumaligtad naman ang nasabing bus. (Joy Cantos)

ANGELES CITY

ATENEO PROFES

BERNARDO SANTOS

CAMP CRAME

DAU DISTRICT HOSPITAL

FERMINA BUS

HIGHWAY PATROL GROUP

JOY CANTOS

NORTH LUZON EX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with