^

Probinsiya

6 pang bata nalason sa tuba-tuba

-

Isinugod sa pagamutan ang anim na bata matapos malason sa kinaing bunga ng tuba-tuba habang nag­lalaro sa Alabel, Sarangani kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na magkaka­patid na Rose May, 5-an­yos; May Rose, 6 at Lalyn Ti­mon, 4 taong gulang; gayun­din sina Armelyn Coronia, 6; Dessa Mae Coro­nia, 4 at Rhea Mae Mata, 8-anyos. Ang mga ito ay pawang re­sidente ng Saci Compound sa Barangay Maribulan sa Alabel.

Naglalaro ang mga bata nang makita ang bunga ng tuba-tuba na kanilang pinitas sa paga-akalang isa lamang itong uri ng prutas. Ang nasabing bunga ng tuba-tuba ay inihaw, pi­naghatian saka kinain ng mga mus­mos.

Ang tuba-tuba ay isang uri ng bunga na maaring ga­wing bio diesel at na­kalala­son kapag kinain ng tao. Ga­yunman, makaraan ang ilang oras, nakaram­dam ng pananakit ng tiyan, pagka­hilo at pagsusuka ang mga bata dahilan upang isugod sila sa General Santos City Hospital sa South Cotabato. (Joy Cantos)

ALABEL

ARMELYN CORONIA

BARANGAY MARIBULAN

DESSA MAE CORO

GENERAL SANTOS CITY HOSPITAL

JOY CANTOS

LALYN TI

MAY ROSE

RHEA MAE MATA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with