^

Probinsiya

Lady gunrunner tiklo

-

Isang umano’y 44-anyos na babaeng gunrunner na si Evelyn Lico ang nadakip ng pulisya sa isang entrapment operation sa Burgos St., Iloilo City kahapon ng umaga. Nakumpiska kay Lico ang apat na .38 kalibreng rebolber, isang .45 kalibreng baril, at dalawang magazine ng .45 kalibreng baril. (Ronilo Ladrido Pamonag)

2 DA exec sa Esperat inutos arestuhin

Nagpalabas na ng warrant of arrest ang Tacurong City Regional Trial Court laban sa dalawang opisyal ng Department of Agriculture Region 12 na itinuturong utak sa pagpas­lang sa mamamahayag na si Marlene Esperat. Ayon kay Department Of Justice Undersecretary. Ricardo Blancaflor, ipina­labas ang warrant dahil sa mga naipong mga ebidensya na mag-uugnay kina dating DA region 12 Director Osmeña Montaner at Finance officer na si Estrella Sabay sa pagpatay kay Esperat. (Gemma Amargo-Garcia)      

Bihag puputulan ng Abu

Nagbanta ang mga bandidong Abu Sayyaf Group na puputulan ng daliri ang dalawa pa nilang bihag na peace volunteer na sina Esperancita Hupida at Millet Mendoza kung hindi maibibigay ang hinihingi nilang P5 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng mga ito. Iginiit ni Nagdilaab Foundation President Fr. Angel Calvo na walang kakayahan ang mga pamilya nina Hupida at Mendoza na ibigay ang ransom na hinihingi ng mga kidnapper. (Joy Cantos)

Ama kinarit ng anak

CAVITE – Nasawi ang 58-anyos na magsasakang si Macario Limbo nang bugbugin at saksakin siya ng karit ng kan­yang lasing na anak na lalake na si Luelito, tinatayang nasa 25-31-anyos ang edad, at isa nitong kabigan makaraang magtalo sila at tanggihan niya ang hinihingi nitong pera sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cabuco, Trece Martirez City sa lalawigang ito kahapon ng madaling-araw. (Cristina Timbang)

ABC prexy dedo

CABANATUAN CITY – Binaril at napatay ng isang hindi kilalang armadong lalaki ang incumbent Association of Barangay Captain ng bayan ng Jaen habang kausap nito ang ilang mga bisita na ikinasugat din ng ama ng nasawi sa Barangay San Jose, Jaen, Nueva Ecija kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Ricardo Marquez, Nueva Ecija Police provincial director, ang biktima na si Renato Fermin, local na pangulo ng ABC sa Jaen, 42. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ANGEL CALVO

ASSOCIATION OF BARANGAY CAPTAIN

BARANGAY CABUCO

BARANGAY SAN JOSE

BURGOS ST.

CHRISTIAN RYAN STA

JAEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with