Mag-asawa niratrat

Binistay ng bala ng hindi pa nakilalang mga salarin ang isang mag-asawa habang bumibisita sa kanilang bukirin sa Brgy. Arorogan, Marihatag, Surigao del Sur kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Antonio Celes, 59-anyos, at asawa nitong si Carmelita, 60-anyos. Ang bangkay ng mag-asawa ay natagpuan dakong alas-7:00 ng umaga nitong Martes ng kanilang ampong si Antonio Celes Jr. sa Purok Mangga sa Brgy. Arorogan ng nasabing bayan. (Joy Cantos)

Show comments