Dentista nilikida

BATANGAS CITY – Pi­nagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 50-anyos na dentista ng mga ‘di-pa na­kikilalang kalalakihan sa pa­nibagong karahasang naga­nap sa Barangay Pallocan West, Batangas City, Ba­tangas kahapon.

Kinila ni P/Supt. Manuel Abu, police chief ng Ba­tangas City, ang biktimang si Dr. Mario Remo, semi-retired dentist na may negosyong money lending at financing ng motorsiklo.

Sa police report, nag­pang­gap ang dalawang kalalaki­ han na kapwa naka-helmet na bibili ng nare-possess na mo­torsiklo sa biktima ban­dang alas-12:15 ng tanghali

Napag-alamang pinapa­ sok naman ng dentista ang dalawa sa kanyang compound para ipakita ang mga motorsiklo, subalit pinaputu­kan ito sa kanyang ulo at ka­tawan.

Inaalam pa rin ng pulisya kung ano ang motibo ng pa­ma­maslang. Arnell Ozaeta

Show comments