Ulo ng sanggol nilapa ng aso

Sinakmal ng matinding sindak ang mga residente makaraang mamataan ang isang aso na tumatakbo habang kagat-kagat ang ulo ng sanggol na tumutulo pa ang dugo sa Barangay Ba­nago sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa.

Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, lumi­litaw na nagbabantay sa tiangge si Nilo Ducay sa nabanggit na barangay nang biglang dumating ang kani­yang alagang aso na may kagat- kagat na duguang bilog na karne. Halos mapasigaw na­man si Ducay nang ma­kitang putol na ulo ng bagong silang na sanggol ang nilalapa ng kaniyang alagang aso.

Hinabol ni Ducay ang kaniyang  aso na inabutan nito sa Purok Alalahoy kung saan binitiwan ang kagat nitong ulo ng sanggol na sariwa pa ang dugo.

Bigo namang matagpuan ang katawan ng sanggol matapos maglibot at mag-usisa ni Ducay sa mga kasa­mahang nagtitinda sa tiangge sa nasabing lugar.

Pinaniniwalaan namang naging biktima ng abortion na basta na lamang itinapon kung saan namataan naman ng aso at tangayin.

Agad namang dinala ang ulo sa chapel kung saan ito binendisyunan at saka binig­yan ng maayos na libing.

Show comments