^

Probinsiya

Carwash boy dedo sa customer

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nagwakas ka­agad ang buhay ng isang carwash boy makaraang pagbabarilin ng kanyang mga naging customer sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni P/Supt. Ulys­ses Cruz, hepe ng Imus police station, ang biktima na si Jimwell Sauquillo, 16, ng Barangay Anabu 2-F, Imus, Cavite at namama­sukan sa Buggy Carwash sa Gen. Emilio Aguinaldo Highway sa nabanggit ding barangay.

Base sa police report, dalawang kalalakihan na kasama ang kani-kanilang syota ang dumating sa na­banggit na carwash sakay ng kulay abuhing kotse na Mitsubishi Lancer na may plakang URU 245 para mag­palinis ng sa­sakyan ban­dang alas-12 ng tang­hali.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, lumilitaw na mina­sama ng dalawang kusto­mer na nag-aantay sa loob ng customer lounge ang matalim na pagkaka­ti­tig ng biktima sa mga ka­samahan nilang mga ba­bae kaya kinompronta nila ito.

Napag-alamang bigla nalang umalis ang dala­wang customer at nang bumalik ay pinagtulungang barilin ang biktima.

Isinugod pa sa Our Lady of the Pillar Hospital ang biktima pero namatay din ito habang ginagamot san­hi ng mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa follow-up operation ng pulisya, narekober din ang ginamit na kotse sa H-I Village, Barangay Datu Ismael sa bayan ng Das­ma­riñas, Cavite habang tugis naman ang isa sa suspek na si Florendo “Flo” Tambogao.

BARANGAY ANABU

BARANGAY DATU ISMAEL

BUGGY CARWASH

CAVITE

EMILIO AGUINALDO HIGHWAY

H-I VILLAGE

JIMWELL SAUQUILLO

MITSUBISHI LANCER

OUR LADY OF THE PILLAR HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with