^

Probinsiya

Lider ng holdaper tiklo

-

Rehas na bakal ang binagsakan ng isang notoryus na lider ng holdaper/karnaper makaraang masakote ng mga awtoridad sa isang videoke bar sa Datu Siang Street, Cotabato City kamakalawa ng gabi. Suma­sa­ ilalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Suharto “Palos” Aman, lider ng Suharto Aman car­nap­ping robbery/hold-up gang. Sa ulat ni P/Senior Supt. Willie Dangane, Cotabato City police director, nasa­kote si Aman sa bisa ng warrant of arrest na ipina­labas ni Judge Oscar Noel Jr. ng General Santos City Regional Trial Court Branch 35. Sa tala, ang grupo ni Aman ay sinasabing may operasyon sa mga lungsod ng General Santos, Koronadal, Tacurong Kidapawan at sa mga lalawigan ng South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Cotabato at Maguindanao. Joy Cantos

Ex-sekyu ng mayor itinumba

CAVITE – Binaril at napatay ang isang dating security­ escort ni Mayor Renato Abutan ng ’di-pa kila­lang lalaki sa bahagi ng Barangay Paradahan sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi. Nasapol sa likurang bahagi ng ulo si Alvin Trias, 33, ng Buena Flor Street, Rosario, Cavite. Sa ulat ni PO1 Benny Sabio, papauwi na ang biktima nang biglang barilin sa ulo. Napag-alamang may kasamang lalaki ang biktima habang naglalakad at may teorya ang pulisya na ito ang gumawa ng krimen. Cristina Timbang

P2M ari-arian naabo

CAMP CRAME - Umaabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy makaraang masunog ang Green Bank sa loob ng Gaisano City Arcade sa  Roxas City, Capiz kamakalawa. Batay sa report ng regional police na nakarating sa Camp Crame, naitala ang sunog dakong alas-12:20 ng tanghali kung saan kaagad naman rumesponde ang mga kinuukulang ahensya ng gobyerno. Wala namang naiulat na nasu­gatan at nasawi sa naganap na sunog na tumagal ng halos isang oras bago maapula. Joy Cantos

Karpintero inutas ng mag-ama

CAINTA, Rizal – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 32-anyos na karpintero ng mag-amang kapitbahay nito sa Barangay San Juan sa bayan ng Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Ronnie Luchavez ng Upper Cuatro, habang naaresto naman ng pulisya ang mag amang suspek na sina Ulpiano Singson, 55 at Michael Singson, 25, kapwa naninirahan sa nabanggit na baran­gay. Ayon kay PO2  Jeffry  Azueta, lumilitaw na iginanti ng matandang Singson ang kanyang anak matapos maargabyado sa suntukan ang batang Singson laban sa biktima may ilang araw na nakalipas. Edwin Balasa

vuukle comment

ALVIN TRIAS

AMAN

BARANGAY PARADAHAN

BARANGAY SAN JUAN

BENNY SABIO

BUENA FLOR STREET

CAMP CRAME

COTABATO CITY

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with