^

Probinsiya

6 sa 16 minero na na-trap sa minahan, nailigtas

-

Umaabot na sa anim na minero ang iniulat na nailigtas sa pagpapatuloy ng search and rescue operation sa minahan ng ginto sa bayan ng Itogon, Benguet, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense, ang dalawang unang biktima ay nailigtas  ka­makalawa ng gabi ha­bang ang iba pa ay  ka­ha­pon naman ng umaga.

Ang mga ito ay mila­grong nakaligtas mata­pos ang  may sanling­gong pagkaka-trap sa tunnel ng Goldfield Mines sa Itogon sa kasagsagan ng pananalasa ng bag­yong “Nina”.

Ayon kay P/Chief Supt Eugene Martin, Cordillera police director, namataan ang survivor na si Jayson Himma­yod  sa level 600 ng tunnel da­kong alas-8:20 ng umaga habang sina Gary Gano at Robert Bur-way na­man ay naisalba pa­sado alas-10 ng umaga.

Naunang nailigtas si Gerry Monyobda dakong alas-11 kamakalawa ng gabi  mula sa level 700 ng tunnel.

Una nang na-rescue sina Antonio “Ngitit” Pagu­ layan at Jose Panio Jr. habang  dalawa na sa  mga minero  ang  na­matay kabilang na si Joel Bolga.

Patuloy namang isi­na­ sailalim sa general check-up at debriefing ang anim na minerong nailigtas.

Ayon kay Martin, na­kararanas ng post traumatic stress syndrome ang mga biktima kaya kailangan nilang manatili sa pagamutan kahit ma­ayos ang lagay ng kani­lang katawan.

Napag-alaman na ang mga  nailigtas na bik­tima ay  binigyan ng tulong pi­nasyal na P10,000 ng  pa­maha­laang panlala­wigan ng Benguet. Joy Cantos

AYON

BENGUET

CHIEF SUPT EUGENE MARTIN

GARY GANO

GERRY MONYOBDA

GOLDFIELD MINES

ITOGON

JAYSON HIMMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with