^

Probinsiya

Hustisya sa estudyanteng pinatay

-

Masaklap na kinabu­kasan ang kakaharapin ng isang single parent na ka­saluku­yang pinagbaban­taan ang kanyang buhay mata­pos mapaslang ang kan­yang anak na lalaki ng mag­pinsang adik sa bayan ng Dasmarinas, Cavite noong Sabado (Sept.6).

Si Rhodel Samonte, 39, ay nagpapalipat-lipat ng tirahan mula sa kaniyang bahay sa Dasmarinas, ka­sama ang isa pang anak na 15-anyos para takasan ang tangkang pagsa­lubong ni kamatayan.

Sa pahayag ni Rhodel, na­katanggap siya ng pagba­banta mula sa pinsang lalaki ng suspek habang nakabu­rol ang anak na si Murphy, 20, noong Setyembre 6.

Si Murphy na graduating computer technician ay pi­na­ni­niwalaang binaril at napatay ng suspek na si Ryan Rafael.

Ayon kay Rhodel, noong Sept. 4, si Rafael kasama ang pinsang si Jenny Ca­ringal ay dumating sa ka­nilang bahay sa Sadara Subd. at hinaha­nap ang kan­yang anak na si Murphy.

Nang lumabas si Mur­phy ay kinompronta ni Ra­fael ha­­bang nakamasid si Ca­ringal kaya tinangkang awatin ni Rhodel subalit itinulak siya.

Namataan naman ng pamangkin ni Rhodel na inabot ni Caringal ang baril kay Rafael at kasunod nito ay alingawngaw ng putok at duguang bumulagta si Murphy. Idineklarang patay sa De La Salle Hospital si Murphy dahil sa tama ng bala sa pagitan ng dalawang mata.

Sinasabing nagbubulag-bulagan naman ang ka­pulisan na maaresto sina Rafael at Caringal kahit na napaulat na pagala-gala sa nasabing lugar. May ulat na ipinagma­malaki ni Rafael na malakas ang koneksyon ng kaniyang pamilya sa pulitiko at ilang pulis sa Cavite.

“Natakot ako sa banta ni Rafael na isu­sunod niya akong papatayin kapag hindi iniatras ang kaso sa korte, at sinabi pa ng court personnel na anumang araw ay lalabas na ang warrant of arrest,” dagdag ni Rhodel. Nabatid na humingi ng pro­teksyon si Rhodel kay Mayor Jenny Barzaga subalit iti­nuro siya sa pulisya.

Nana­wa­gan si Rhodel sa mga kina­uukulang ahensya ng pama­halaan na bigyan ng hustisya ang pagpatay sa kanyang anak kahit na magbuwis pa siya ng buhay. Nestor Etolle

vuukle comment

CAVITE

DASMARINAS

DE LA SALLE HOSPITAL

JENNY CA

MAYOR JENNY BARZAGA

NESTOR ETOLLE

RAFAEL

RHODEL

RYAN RAFAEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with