Artist's sketch ng killer inilabas na

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Inilabas na ng mga awtoridad ang carthographic sketch ng nag-iisang suspek sa pagpatay kay Mabini Vice Mayor Rowell Sando­val sa Bauan Batangas noong Agos­to 26. Ayon kay P/Supt. Antonio Malaba­nan, hepe ng Bauan, Ba­tangas police, ang gun­man na payat, nasa 25 hang­gang 28-anyos, may taas na 5’3’’- 5’4’’. “Naila­rawan ng isang tauhan ni vice mayor ang suspek dahil pumasok ito mismo sa loob ng call center saka isina­gawa ang krimen,” ani Ma­labanan. Ina­min naman ni Malabanan na nahih­ira­pan pa sila sa pag-iimbestiga dahil kulang pa ang na­kakalap na mga ebidensya para matukoy ang nasa likod at ang motibo ng pamamaslang. Sa tala ng pu­lisya, pinagbabaril si Vice Mayor Sandoval, 51, sa ha­rap mismo ng kan­­yang asawang si Wilma habang nag-uusap sa loob ng kanilang two-story Research Solution Information Center (RSIC) call center building sa Buendia St. Poblacion 3. Pulitika at negosyo ang unang sinisilip ng mga awtoridad na posibleng motibo ng krimen. – Arnell Ozaeta

Show comments