Holdap: P.2-M nalimas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Tinatayang aabot sa P.2-M halaga at ari-arian ang tinangay ng mga armadong kalalakihan makaraang holdapin ang hardware sa Barangay San Vicente sa bayan ng Canaman, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Ban­dang alas-6 ng gabi nang pasukin ang New Mel­lenium Hardware na pag-aari ni Rolando Cu. Hindi na nakapalag pa si Rolando, anak na si Rolex at dray­ber nilang si Jonathan Pielago matapos tutukan ng baril at igapos sa ikalawang palapag ng kanilang ba­hay. Tinangay din ng mga kawatan ang mga alahas, cellular phone at ang motorsiklo (EG9085) ni Ro­lando na ginamit sa pagtakas ng mga mag­nanakaw. – Ed Casulla

Show comments