Obrero todas sa aksidente

MARIVELES, Bataan – Minalas ang isang factory worker nang mabagok ang kanyang ulo sa semento makaraang tumalon mula sa isang jeep na sumalpok sa isang konkretong bakod sa likurang bahagi ng isang paaralan sa kahabaan ng National Road, Barangay Malay, Mariveles, Bataan kamakalawa ng umaga.

Namatay noon din ang bik­timang Josephine Cons­tantino, 41-anyos, may-asa­wa, factory worker sa Bataan Economic Zone. Na­gtamo naman ng mga galos at pasa sa katawan ang iba pang pasahero ng dyipni.

Lumilitaw sa pagsi­siyasat na, dakong alas- 6:00 ng umaga, tumigil sa naturang lugar ang dyipni na minama­neho ni Virgilio Bercasio para magsakay ng pasahero.

Habang nakatigil ang nasabing jeep, biglang gu­mulong pababa ang sasak­yan at nang tapakan ng driver ang foot break nito ay hindi ito kumagat dahilan para tuluy-tuloy nitong tum­bukin ang kon­kre­tong bakod.

Sa takot, tumalon si Cons­tantino mula sa sa­sakyan na siya niyang iki­namatay. (Jonie Capalaran)

Show comments