^

Probinsiya

Anak pinatay ng ama

-

CAVITE – Napatay ng isang ama ang kanyang sariling anak sa mismong kaarawan pa nito nang dahil lamang sa pagtatalo hinggil sa umano’y pagi­ging babaero ng una ka­ma­kalawa ng gabi sa Ba­rangay Ligas 3, Bacoor sa lalawigang ito.

Kinilala ni Police Supt. Mario Reyes, hepe ng pu­lisya sa bayang ito, ang biktima na si Eduardo Lagria, 39-anyos, residente ng Calugdan Compound, Barangay Ligas ng bayang nabanggit. Mabilis namang tumakas ang suspek na si Elmar Lagira, 61-anyos.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Clarence John Erece, ganap na alas-8:30 ng gabi ng maganap ang insidente habang ipinagdi­ri­wang ang kaarawan ng biktima sa pamamagitan ng inuman.

Habang magkausap ang mag-ama, naungkat ang umano’y pagiging ba­baero ng suspek na ikina­gagalit ng biktima.

Nagkaroon ng maini­tang pagtatalo ang mag-ama hanggang mabaril at mapa­tay ng suspek ang biktima.

Nagawa pang maitakbo sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot pa nang buhay. (Cristina Timbang)

vuukle comment

BARANGAY LIGAS

CALUGDAN COMPOUND

CLARENCE JOHN ERECE

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with