14 pasahero patuloy na hinahanap

APARRI,  Cagayan – Na­tag­puan na ng mga tauhan ng search and rescue teams ang dalawa sa tatlong bangkay na lumubog sa bahagi ng Cala­yan group of Islands limang araw ang nakalipas matapos itong tangayin ng alon na dulot ng bagyong “Karen.”

Ayon kay Lt. Commander Ferdinand Panganiban ng Phil. Coast Guard, natagpuan ang MV Perpetual Help at MV Saint Joseph habang hinaha­nap pa ang M/V AAA na sina­sakyan ng labing-apat na pa­sahero.

Nauna rito, tatlo sa 17 pa­sahero ang unang nakaligtas matapos tangayin ng malakas na alon sa dalampasigan kaya naipaabot ang impormasyon sa mga awtoridad.

“May posibilidad na buhay din ang 14 pasahero at napad­pad lamang sa ibat-ibang ba­hagi ng isla matapos lumubog ang kanilang bangka,” paha­yag ni Panganiban.

Mas lalo ngayong  pinala­wak ng pinagsanib na pwersa ng Coast Guard-Maritime police search and rescue personnel at mga tauhan ng provincial government ang pagha­ha­nap  sa mga pasahero ng tat­long bangka.

Kabilang sa mga nawawa­lang pasahero ay sina Dennis Caraybe, Teofilo Capiz,  Christopher Irece, Dexter Calapini,  Ernie Payas, Nelson Bumagat, Alfredo Bumagat at si Gil Ma­nalo. Victor Martin  

Show comments