^

Probinsiya

Mayor itinumba sa madyungan

- Eva Visperas, Danilo Garcia -

AGNO, Pangasinan – Nabulabog ang pinaka­ta­himik na bayan ng Agno sa Pangasinan makaraang rat­ratin at mapaslang ng mga ‘di-pa kilalang kalala­ki­han ang kanilang alkal­ de na naglalaro ng mah­jong sa Barangay Pobla­cion East may ilang metro la­mang ang layo sa kan­yang tahanan noong Sa­bado ng gabi.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng M16 Ar­ma­­lite rifle at idineklarang patay sa Alaminos Doctors Hospital sa Alaminos City, si Mayor Arthur Ca­bantac, 53.

Kaagad naman bumuo ng Task Force Cabantac si P/Senior Supt. Isagani Ne­rez, provincial police director sa pangunguna ni P/Supt. David Rapisora, de­puty police director for operations matapos ang pa­mamaslang sa nabang­git na alkalde.

 “Masyadong tahimik ang bayan ng Agno na may ilang kilometro lamang ang layo sa Alaminos City at walang anumang naitalang insidente ng pamamaril, pero nabahiran ng kara­hasan at si Mayor Caban­tac pa ang biktima,” pa­hayag ni Nerez.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na nagmamadyong si Mayor Cabantac sa ba­hay ni Cecilia Bosa habang ang ilang alalay nito ay nasa panulukan ng Zamora at Jaina Street nang na­ganap ang pamamaslang. Wala naman ibang nasawi o kaya nasugatan sa na­ganap na pamamaril.

Napag-alamang pinag­sabihan ni Mayor Cabantac ang kanyang mga bodyguard na mag-roving patrol muna sa nabanggit na lu­gar habang siya ay nag­lalaro ng mahjong.

Ilang anggulo ang sini­silip ng binuong task force partikular na ang motibong pulitika dahil ilang mi­yembro ng Sangguniang Bayan ang nakabangga ng alkalde dahil sa kanyang mahigpit na polisiya.

AGNO

ALAMINOS CITY

ALAMINOS DOCTORS HOSPITAL

BARANGAY POBLA

CECILIA BOSA

MAYOR CABANTAC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with