20 natodas ng rabies

TUGUEGARAO CITY – Nabahala ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at Isabela dahil sa pagtaas ng bilang ng namamatay sa pa­nanalasa ng deadly virus mula sa kagat ng aso, pusa at iba pang alagang hayop, ayon sa ulat kahapon.

Sa pahayag ng Cagayan provincial veterinarian na si Dr. Jaime Guillermo, aabot sa siyam-katao mula sa iba’t ibang bayan ang nadale ng rabies o hydrophobia na ka­ramihan ay nakagat ng asong gala (askal).

Saman­tala, aabot naman sa sampung kaso ng rabies ang naitala sa Isabela at tatlo naman sa Nueva Viz­caya.

Kaya na­man puspusan ang kam­panya laban sa rabies sa pa­ngu­nguna nina Gov. Alvaro Antonio at Nueva Vizcaya Vice Gov. Jose Gam­bito para ma­pigilan ang pa­na­nalasa ng rabies sa kani-ka­nilang lugar. (Charlie Lagasca)

Show comments