^

Probinsiya

Lider ng kulto dedo sa pulis

- Ni Roberto C. Dejon -

ORMOC CITY, Leyte – Isang 58-anyos na lider ng kulto na ginawang asawa ang kaniyang limang anak na babae ang nabaril at napatay ng pulisya sa liblib na bahagi ng Sitio Cantilum sa Barangay Tongonan, Ormoc City, Leyte kama­kalawa ng umaga.  

Kinilala ni P/Senior Supt. Wilson Caubat, ang napatay na si Rey Mahinay, alyas Lord Rey Mahinay, supreme leader ng Son of the Kingdom of the Father, Home of the Chosen Children of Jesus Christ Incorporated.

Base sa ulat, napatu­na­yan ng City Social Welfare and Development officer na si Marietta Ligaspe na ang suspek ay sangkot sa ka­song child abuse ma­tapos gawing asawa ang li­mang anak nito na may edad 12 hanggang 17-anyos.

Kaya kaagad na nagpa­labas ng search warrant si Executive Judge Apolinario Buaya ng Ormoc Regional Trial Court Branch 35, para arestuhin ang suspek. 

Tatlong pangkat ng pu­lisya ang ipinadala ni Caubat para isilbi sana ang search warrant sa pangu­nguna nina P/CInsp. Mario Cristino Lucero, P/Senior Insp. Jo­seywells Estopen ng PCP1; at P/Supt. Raul Saysay ng City Mobile Group.

Ayon pa sa ulat, na­unang nailigtas ng isa sa tatlong pangkat ng PNP ang limang anak na babae ni Mahinay sa loob ng ka­nilang bahay habang ang isang pangkat naman ay inabangan si Mahinay sa chekpoint para ares­tuhin.

 “We have to block his way far from his turf because it’s another story if we will seize him there, Mahinay has more than 200 cult members, who are armed with long jungle bolos like the Pulahans,” pahayag ni  Caubat

Nang mamataan ng pulisya si Mahinay na sak­ay ng motorsiklo (IM-1549) na may kaangkas  ay  pina­ra ni­la ito subalit nag­patuloy pa rin hanggang sa maharang ng isa pang pangkat ng PNP.

Dito na nanlaban at ti­nagkang tagain ni Ma­hinay  ang ilang pulis kaya binaril ito sa hita subalit patuloy pa rin sa pananaga hanggang sa nabaril at napatay.

Samantalang sugatan naman si Col. Caubat ma­ta­pos  tamaan ng ligaw na bala na noo’y kasama si Ba­­rangay Chairman Isa­gani Banez  para sana sak­sihan ang pag-aresto kay Ma­hinay.

Inaresto naman ang ilang miyembro  ng kulto na sina Severino Torrebella y Galon, 48; Moises Donayre y Ca­bando,  44; at Justino Santa Ana, 35, habang na­samsam naman ang 14 pi­raso ng jungle bolo mula sa bahay ni Mahinay.

Sa tala ng pulisya, ang kulto ni Mahinay ay may sangay  sa Negros Occidental, Eastern and Northern Samar,  Cebu, at ilang bayan sa Visayas.

MAHINAY

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with