^

Probinsiya

2 todas sa NLEx ambush

-

BULACAN – Kumpirmadong napatay ang dalawang sibilyan sa panibagong pananambang na naganap sa loob ng North Luzon Expressway sa Km. 14 ng Barangay Lalangan sa bayan ng Plaridel, Bulacan noong Martes ng gabi. Kabilang sa napatay ay sina Jimmy Nucup y Reyes, administrator ng money changer na pag-aari ng kanyang uncle na si Oscar Nucup ng Barangay San Carlos sa bayan ng Mexico, Pampanga; at Sherwin Silo, security aide ni Nucup. Narekober ng mga awtoridad ang isang baril na 9mm, halagang P179, 500 at ang nasabing kotse na nakarehistro sa pangalan ni Michael Sapit ng Bagac, Bataan Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Ed Quilates, hepe ng pulisya ng bayan ng Plaridel, lumilitaw na patungong Maynila ang dalawa sakay ng kotseng kulay itim na BMW (ZBE-424) mula sa San Fernando tollgate ng North Luzon Expressway. Bandang alas-8:30 ng gabi nang mamataan ng mga nagpapatrolyang security guard ng North Luzon Expressway ang BMW na nakabalandra sa gilid ng highway. Nang siyasatin ay natagpuan ang duguang katawan ng dalawa na may tama ng bala sa ulo. Dino Balabo at Boy Cruz

vuukle comment

BARANGAY LALANGAN

BARANGAY SAN CARLOS

BATAAN SA

BOY CRUZ

DINO BALABO

ED QUILATES

JIMMY NUCUP

MICHAEL SAPIT

NORTH LUZON EXPRESSWAY

OSCAR NUCUP

PLARIDEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with