Tenga ng bata tinapyas sa gutom
Pinaniniwalaang matinding gutom ang isa sa motibo kaya tinapyasan ng tenga ang isang 8-anyos na batang lalaki ng kaniyang amaing magsasaka sa Barangay Pagbahanan sa bayan ng Marihatag, Surigao del Sur noong Biyernes, ayon sa ulat kahapon.
Ang biktimang itinago sa pangalang Gerald, anak ni Dominga Olayon Sarte sa una nitong asawa ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas habang tugis naman ng pulisya ang magsasakang suspek na si Alejandro Rivas, 44.
Batay sa police report na isinumite sa
Gayon pa man, nang buksan nito ang kaldero ay walang sinaing kaya kinompronta ang mag-ina at sumagot naman ang bata na hindi sila nakapagsaing dahil walang pambili ng bigas.
Bunga nito ay nag-init ang ulo ni Rivas na nangangatal sa gutom at pinaniniwalaang nagdilim ang paningin kaya kinuha nito ang matalim na itak saka sinunggaban ang bata saka tinapyas ang tenga nito.
Nabatid na ang bata ay hindi nag-aaral bunga ng kahirapan ng pamumuhay at sa mura nitong edad ay natutong magbanat ng buto at pinagkakatiwalaan sa maraming gawain sa kanilang tahanan.
- Latest
- Trending