^

Probinsiya

Vice Mayor inulan ng bala, todas

- Joy Cantos -

Pinagbabaril hanggang mapaslang ng hindi pa nakilalang salarin ang isang vice mayor ng Pan­tar, Lanao del Norte, ayon sa report ng pulisya kaha­pon.

Wala nang buhay nang maisugod sa Mercy Community Hospital sa Iligan City ang biktimang si Vice Mayor Hadji Abdul Rasid Onos.

Batay sa  naantalang report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas–8:00 ng gabi noong  Miyer­kules  sa Barangay Pobla­cion sa bayan ng Pantar.

 Ayon sa imbestigasyon, kausap ng biktima ang anak nitong lalaki nang  du­maan ang mga suspek na lulan ng isang motorsiklo at walang sabi-sabing pina­ulanan ng bala ang bise alkalde.

Duguang bumagsak sa lupa ang biktima na nag­tamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Ang mga suspek ay mabilis namang nagsitakas patungo sa hindi pa ma­lamang destinasyon.

Kaugnay nito, ipinag­utos na ni Lanao del Norte Governor Khalid Quibranza Dimaporo ang malalimang imbestigasyon sa kasong ito upang mapanagot sa batas ang mga salarin.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa alitan sa pulitika ang motibo ng krimen habang puspusan ang pagsisiyasat ng mga awtoridad.

BARANGAY POBLA

LANAO

MERCY COMMUNITY HOSPITAL

NORTE GOVERNOR KHALID QUIBRANZA DIMAPORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with