^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

Tumanggi sa sex; babae dinedo

CAVITE — Pinaniniwalaang tumanggi sa sex ang isang 20-anyos na babae kaya sinaksak at napatay ng isang welder sa Barangay Sabang, Naic, Cavite kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ni P/Chief Insp. Ruben Raquesta ang biktima na si Mary Jane Baylon ng Barangay San Francisco, General Trias, Cavite.  Sa follow-up operation, nasakote naman ang suspek na si Napoleon Carreon, 40, ng Barangay Timalan Con­cepcion. Napag-alamang sinundo ng suspek ang biktima sa Barangay Silangan para sa pakikipagtalik, ngunit tumanggi ang babae. Dito nagalit ang suspek at isinagawa ang pamamaslang. (Cristina Timbang)

Tiktik ng PNP at AFP itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  — Isang 59-anyos na magsasaka na pinaniniwalaang tiktik ng militar at pulisya ang niratrat at napatay ng mga rebeldeng New People’s Army ( NPA) sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Carriedo, Irosin, Sorso­gon kamakalawa. Nakilala ang biktima na hindi na umabot pa nang buhay sa Irosin District Hospital na si Antonio Estrada na inaku­sahan ng mga rebelde na nagbibigay ng impomasyon ng mga awtoridad sa ikinikilos ng NPA. Tinangay sa pagtakas ng mga rebelde ang celfone at cash na P8,500 ng biktima. (Ed Casulla)

vuukle comment

ANTONIO ESTRADA

BARANGAY SABANG

BARANGAY SAN FRANCISCO

BARANGAY SILANGAN

BARANGAY TIMALAN CON

CAVITE

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with