^

Probinsiya

Mister ginilitan ni misis

-

Rizal – Pinaniniwalaang tumangging makipaghi­wa­lay ang isang 58-anyos na mister kaya nagawang gi­litan ng kanyang ka-live-in sa loob ng kanilang taha­nan sa Sitio Gulod sa Ba­rangay San Isidro,  Rodri­guez, Rizal kahapon ng umaga.

Bandang alas-5 ng uma­ga nang matagpuan ng mga barangay tanod ang bangkay ni Johnny Solina sa nabang­git na lugar ha­­bang pinagha­hanap na­man ang suspek na nakila­lang si Teresita Reyes.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na bago naganap ang krimen ay na­mataan ng ilang resi­dente na nag-aaway ang dalawa sa labas ng bahay tungkol sa pakikipaghiwalay ng babae sa lalaki.

Sa pag-aakalang away mag-asawa lang ang naga­ganap ay ipinagwa­lang bahala ito ng mga kapit­bahay at hindi nila alam na hahantong ang lahat sa malagim na krimen.

May teorya ang pulisya na nilambing muna ng ba­bae ang kan­yang mister saka isinagawa ang pama­mas­lang. Edwin Balasa

vuukle comment

BANDANG

EDWIN BALASA

JOHNNY SOLINA

PINANINIWALAANG

RIZAL

SAN ISIDRO

SHY

SITIO GULOD

TERESITA REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with