^

Probinsiya

3 kumander ng NPA tiklo

- Nina Tony Sandoval at Joy Cantos -

QUEZON – Nalambat ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang tatlong  kumander ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isinaga­wang operasyon sa Ba­rangay San Isidro sa bayan ng Atimonan, Quezon ka­makalawa ng umaga.

Sa ulat ni AFP-Southern Luzon Command chief Major Gen. Delfin Bangit, kasalukuyang sumasa­ilalim sa tactical interrogation sina Gemma Carag, alyas Morgan/Binay/Jua­na/ Ading/ Puring/ Lilay, secretary ng NPA Guerilla Front 42; Noel Santos, alyas Allen/Medel na secretary ng KomProb-Que­zon; at si Cecilia Mondia, alyas Brenda/Catherine/Vince, organizer ng Guerilla Front 42.

Si Santos ay may warrant of arrest sa kasong rebelyon na inisyu ni Judge Virgilio Alfajor ng Lucena City Regional Trial Court Branch 59, samantalang si Carag na­man ay may warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Ca­lauag Regional Trial Court Branch 63 at si Mondia ay may warrant of arrest sa kasong murder na ipina­labas ng Gumaca RTC Branch 61.

Narekober sa tatlong rebelde ang isang .45 caliber pistol, 3 laptop computers, printer, projector, 35 piraso ng CD, 3 flash discs, external DVD writers, 5 celfone, P26,000 at mga subersibong dokumento.

vuukle comment

CECILIA MONDIA

DELFIN BANGIT

GEMMA CARAG

GUERILLA FRONT

JUDGE VIRGILIO ALFAJOR

LUCENA CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MAJOR GEN

NEW PEOPLE

NOEL SANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with