^

Probinsiya

12 katao todas kay ‘Frank’

- Nina Joy Cantos at Ed Casulla -

Umaabot na sa 12-ka­tao ang iniulat na nasawi ha­bang 12 pa ang nawa­wala kabilang ang apat na mangi­ngisda sa panana­lasa ng bagyong “Frank” (international name: Feng­shen) sa mga apektadong lugar sa bansa.

Sa press briefing sa Department of National Defense, kinilala ni National Disaster Coordinating Council (NDCC) Dr. Anthony Go­lez Jr., ang dala­wang na­sawi na sina Nan­ding Pulalon, 56; at ang apo nitong si Bea Pu­lalon, 8.

Ayon kay Golez, ang mag­lolo ay nalibing nang buhay matapos na gumuho ang bundok ng basura sa Sitio Canizares, Brgy. Ma­lagapas, Cotabato City.

Sa isang phone interview kay Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Col. Julieto Ando, sam­pu katao ang iniulat na namatay ha­bang 8 naman ang nawa­wala matapos na umapaw ang Risao River sa bayan ng Upi, Maguin­danao.

Binaha rin ang mga kal­sadang nag-uugnay sa Co­tobato at General Santos City habang gumuho na­man ang tulay na nagdu­rugtong sa  mga barangay at bayan.

Samantala, dahil sa la­kas ng hanging dulot ng bagyo ay maraming puno ang nabuwal  kaya nawa­lan ng kuryente ang central Visayas region.

Aabot sa 23, 105 pa­milya (118, 096 katao) ang inilikas dahil unti-unting umaapaw ang lahar  sa Al­bay na nauna ng sinabi ng Pagasa na ta­tamaan ng bagyong Frank.

Sa ulat ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Director Prisco Nilo, tu­mahak si “Frank” sa Bora­cay Island sa Malay, Aklan kung saan magdudulot ng malalakas na pag-ulan at pag-ihip ng hangin sa Vi­sayas Region.

Nagbabala rin ang opis­yal sa posibleng landslide at flashfloods sa Visayas Region, Surigao del Norte, Peninsula at sa Cotabato.

Nakataas naman ang storm signal no. 3 sa Rom­blon, Batangas, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Min­doro, Lubang Island, Cala­mian Group of Islands, Northern Antique, Aklan at Capiz.

 Storm signal no. 2 na­man sa Bataan, Cavite, La­guna, Rizal, Quezon, Polilio Island, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Masbate, Burias Island, Northern Palawan, Metro Manila, Antique, Iloilo at Guimaras.

 Samantalang nakataas ang storm signal no. 1 sa Zambales, Tarlac, Pam­panga, Bulacan, Nueva Ecija, Southern Aurora, Sorsogon, Palawan, Negros Occidental, Negros Oriental, Cebu, Bohol, Siquijor Island at Leyte.

AKLAN

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with