Sulyap Balita
Espiya ng pulis nilikida
Isang babae na pinaniniwalaang espiya ng pulisya ang iniulat na napaslang habang ang kasama nito ay malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Poblacion sa bayan ng Lapaz, Agusan del Sur kamakalawa. Nasapol sa ulo at kaliwang hita ang biktimang si Gemma Francisco, 24, ng Brgy. Osmeña habang naisugod naman sa
Mag-utol nilason ng kainuman
Pinaniniwalaang nilason ang mag-utol na lalaki ng kanilang kainuman ng alak makaraang hindi na magising sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bita-og sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur kamakalawa ng gabi Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Jimmy Atillo, 40; at Dionisio Atillo, 27, kapwa residente ng nabanggit na barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakipag-inuman ang mag-utol na Atillo sa mga kaibigan kung saan hanggang sa apat na lamang sila ay hindi pa rin paawat sa pagtagay ng tuba ang mag-utol. Dahilan sa malalim na ang gabi ay nagpaalam na ang mag-utol upang umuwi sa bayan ng kanilang tiyahin sa naturan ring barangay. Gayon pa man, kinaumagahan habang ginigising ng kanilang pinsan ang mag-utol ay nagulat na lamang sila ng kapwa matigas na ang katawan ng mga ito. (Joy Cantos)
Dalagita dinedo ng rapist
CEBU – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 15-anyos na dalagitang nanlaban sa rapist makaraang ihulog ito sa may 50 talampakang lalim na bangin noong Linggo sa Sitio Pari-an, Barangay San Sebastian sa bayan ng Samboan, Cebu. Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang si Myriz Mae Patil, 4th year student ng San Sebastian National High School, samantalang nakilala naman ang suspek na si Demosthenes Merasol, 45, ng Barangay Magtalisay, Santander, Cebu. Ayon kay SP01 Dominador Ferrolino, ganap na alas-2 ng hapon nang magpaalam ang biktima sa kanyang mga magulang na bibisita sa kaklase para sa kanilang project. Ngunit inabot na ng gabi ay hindi pa rin ito umuwi kaya’t nakapagpasya ang kanyang mga magulang na maghanap at binaybay ang daanan papunta sa bahay ng kaklase nito. Isang 32-anyos na pipi nag-iisang saksi sa krimen ang nagsuplong sa pulisya sa pamamagitan ng senyas ng mga kamay kaya nakilala ang suspek Ayon sa pipi, pinigilan at sinubukang gahasain ng suspek ang bata ngunit nanlaban ito kayat pinukpok ng bato sa ulo at saka itinulak sa bangin. Dahil sa salaysay ng pipi ay dinakip na pangkat ni SP01 Ferrolino ang suspek. (Edwin Ian Melecio)
Holdaper todas sa pulis
Napaslang ang isang notoryus na holdaper makaraang mabaril ng isang pulis sa loob ng pampasaherong bus sa Barangay Bag-ong Argao sa bayan ng Molave, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ang napatay base sa nakuhang identification card na si Carlos “Carling” Padron, 36, ng Brgy. Gut lang. Nasugatan naman ang pulis na si PO2 Ronald Encarquez. Base sa ulat na isinumite sa Camp Crame, sakay ng Rural Transit Bus (JVK -129) si PO2 Encarquez nang magdeklara ng holdap ang grupo ni Padron na may hawak na granada. Nang mapagtanto ang panganib ay agad na nagpakilalang pulis si Encarquez at ipinasusuko ang suspek subalit tumanggi ito bunsod upang magpambuno ang dalawa. Sa kabila ng sugatan dahil sinaksak habang nagpapambuno ay nagawang barilin ni Encarquez si Padron. Samantala, pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawa pang kasamahan ni Padron na nagsitakas. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending