Napaslang ang isang 36-anyos na pulis makaraang pagbabarilin ng kanyang kumpare sa Barangay Pahinga Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi.
Idineklarang patay sa Mt. Carmel District Hospital sa Lucena City si PO2 Rommel de Villa, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Boac, Marinduque.
Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na si Alexander Esguerra, 39. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na magkasamang naghahapunan ang biktima at misis nito nang pumasok sa kanilang bahay ang suspek. “Pare, pati asawa ko tinalo mo,” galit na tinuran ng suspek saka niratrat ang kanyang kumpare. (Joy Cantos)