LUCENA CITY, Quezon - Umaabot sa P50 milyong halaga ng pondo ang ipinamudmod ni Quezon Governor Raffy P. Nantes sa may 1,242 barangay, 39 munisipalidad at 2 lungsod upang gamitin sa livelihood project.
Bahagi ng 20% development fund ng probinsya ang nasabing pondo upang isulong ang proyektong “One Town One Product.” Ninanais ng opisyal na madagdagan ang mga sikat na produkto ng Quezon katulad ng coco vodka ng Tayabas City, ginger tea (salabat) ng Dolores, Quezon, coco jam ng Tiaong na ini-export na sa Middle East, ibat-ibang klase ng buri bags, ang pamusong Longganisa at pancit habhab ng Lucban.
Sinuportahan naman ng lokal na Department of Trade and Industry (DTI) ang nabanggit na proyekto at maging si provincial manager Marcie Alcantara ay nakahandang magbigay ng technical assistance para sa product development.Tony Sandoval