^

Probinsiya

Isuzu Elf tumaob: 6 katao utas

- Ni Malu Cadelina Manar -

KIDAPAWAN CITY – Anim-kato ang iniulat na namatay habang 15-iba pa ang nasuga­tan maka­raang bu­mangga ang Isuzu elf truck sa kasalu­bong na motor­siklo saka bu­maligtad sa President Roxas Highway sa North Cotabato na iti­nuturing na ‘accident-prone’ noong Lu­nes ng hapon.

Kabilang sa mga na­sawi na sina Edgar Gre­gorio, Clemente Gre­gorio, Muray Mang­galay  mag-utol na Tata Mar­celiana, 14; at CJ Mar­ce­liana, 4; at ang truck helper na si Rol­dan Upos.

Ginagamot naman sa North Cotabato Provincial Hospital sina Alfredo Lopez, driver ng truck; Geoffrey Bac­lagon, driver ng XRM motorcycle; at mga na­kiangkas lang sa nasa­bing trak na sina Clarita Lopez, Rodel Ya­mit, Alex Alejandro, Thel­ma Sasi, Nimrod Marce­liana, Her­nan Erbite, Er­win Ortega, Robert Orte­ga, Jenny Barrien­tos, Dar­ren Pido, Nenita Mang­ga­lay, at si Ryan Dosaga, pa­wang mga residente sa ba­yan ng President Roxas.

Sa ulat ng hepe ng pulisya na si P/Senior Insp. Susana Guihiling, pababa ng Poblacion ang Isuzu Elf truck na may plakang LCK 896 mula sa bisinidad ng Barangay Mabuhay para magbenta ng saku-sakong palay nang mawalan ito ng preno sa erya kung saan mada­las may mga naa­ak­sidenteng sasakyan.

Nagkataon namang nakasalubong ng Isuzu Elf truck ang papaak­yat na Honda XRM motorcycle ni Baclagon kaya ‘di-nagawang ika­big pa ng driver ang truck sa isang ligtas na lugar ka­ya’t na­hagip nito ang mo­torsiklo saka buma­liktad.

Napag-alamang pu­mailalim sa truck si Bac­lagon at nayupi ang kan­yang motor­siklo.

Nabagsakan na­man ng mga saku-sakong pa­lay ang mga bikti­mang na­kiangkas sa nasabing truck elf na naging dahi­lan ng ka­nilang kamata­yan.

Kasalukuyang naka-impound sa PNP station ng President Roxas ang Isuzu Elf truck para pa­panagutin ang driver at may-ari sa naganap na sakuna, ayon kay Gui­hiling. Dagdag ulat ni Joy Cantos 

vuukle comment

ALEX ALEJANDRO

ALFREDO LOPEZ

BARANGAY MABUHAY

ISUZU ELF

PRESIDENT ROXAS

SHY

TRUCK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with