^

Probinsiya

Mister pinugutan ng kainuman

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Karumal­dumal na kamatayan ang sinapit ng isang mister nang pugutan ng ulo ng magkapatid na kanyang nakaalitan sa inuman ka­makalawa ng gabi sa Sitio Gintong Araw, Barangay Panique, Aroroy, Masbate.

Nakilala ang biktimang si Andres Pullar, 48, may asawa, isang gold panner at residente ng naturang barangay.

Ang magkapatid na sus­pek na kaagad naman na tumakas ay kinilalang sina Jerson, 19, binata at Ray­mond Relos 17, binata, kapwa gold panner at re­sidente ng Barangay Ma­tangnao, Palanas, Mas­bate.

Nag-iinuman ang bik­tima at mga suspek ban­dang alas-10:00 ng gabi nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo at suntukin ng una ang huli.

Dahil sa  ginawa ng sus­pek, ang magkapatid na armado ng itak ay bigla nalamang pinagtataga ang biktima sa ibat-ibang ba­hagi ng katawan at pugutin ang ulo nito.

Nabatid na ang ulo ng biktima ay itinapon may  halos 500 metro ang layo sa katawan nito na natag­puan ng mga pulis sa ma­da­mong lugar. (Ed Casulla)

vuukle comment

ANDRES PULLAR

AROROY

BARANGAY MA

BARANGAY PANIQUE

ED CASULLA

SHY

SITIO GINTONG ARAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with