^

Probinsiya

9 kawani ng DILG nadale ng bukas-kotse

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Siyam na kawani ng De­partment of Interior and Local Government (DILG), ang na­pa­ulat na nadale ng grupong bukas-kotse sa ba­yan ng Carmona, Cavite ka­ma­kalawa ng hapon.

Kabilang sa mga biktima ng kawatan ay sina Abegail Nomi­nador, Arlene Perez, Sheryl Del­mundo, Alice Sanchez, Jennifer Tonlo, Jose Locquia­no, Christopher Lacson at si Gemma Gabriel na pawang nakatalaga sa DILG Action Monitoring Center sa National Headquarters Bldg sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay P/Senior Ins­pector Jose­lito Sisante, hepe ng Car­mona police station, lulan ang mga biktima sa L-300 van (XHX-124) nang magpas­yang tumigil sa Paseo de Carmona Complex sa Ba­rangay Maduya para kumain bandang alas-4:50 ng hapon.

 Nabatid na papauwi na ang grupo mula sa outing nang magkasundong kumain sa sangay ng Jollibee sa na­turang complex na tumagal ng kala­hating oras.

Laking gulat na lang ng mga biktima nang bumalik sa van at nadiskubreng wala na ang kanilang mga bag na nag­lalaman ng personal na gamit, mga celfone at pera.

Ayon sa mga saksi, may pu­maradang kulay asul na van na walang plaka sa tabi ng van ng mga biktima na pinanini­wa­laang ginamit ng mga kawatan sa paghakot ng mga gamit sa kanilang pag­takas.

Nagsasagawa na ng im­bes­ti­gasyon ang mga awto­ri­dad para matukoy ang grupo ng kawatan. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ABEGAIL NOMI

ACTION MONITORING CENTER

ALICE SANCHEZ

ARLENE PEREZ

ARNELL OZAETA

AYON

CAMP CRAME

CARMONA COMPLEX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with