Isang opisyal ng lokal na sangay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang iniulat na napatay maka raang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Lolita Molina, 54, chief processing officer ng BIR sa nabanggit na lungsod. Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaril dakong alas -8 ng umaga may ilang metro lamang ang layo sa Southern Mindanao Colleges. Napag-alamang patungo ang biktima sa kanyang opisina lulan ng traysikel nang harangin at ratratin. Isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang naganap na pananambang.