^

Probinsiya

700 dram ng ‘toxic waste’ nasabat

-

BULACAN — Walo-ka­tao ang inaresto ng pulisya ma­karaang masabat ang ilang dram na naglalaman ng na­kalalasong kemikal sa Ba­rangay Masuso, Pandi, Bula­can kahapon.

Ayon kay Chief Inspector Rene Casis,  kabilang sa mga inarestong suspek ay sina: Jessie Camosco ng Brgy. Camanyangan, Sta. Maria; Blandino Ca­bar­les, Mark Alfred Cabar­les, Mi­chael Ca­barles, Aram Es­trella, Ro­nald Ro­gados ng Brgy. Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City at si Jefrey Timbang ng San Miguel, Bulacan.

Ayon sa ulat, ang mga sus­­pek na nag-deliver ng mga dram na may lamang kemikal ay lulan ng Isuzu Elf truck (UPY-188) at Isuzu Forward truck na may plakang RDP 829.

Napag-alamang nag­mula ang mga dram ng kemikal sa D&L factory sa Manggahan, Pasig City at nakumpiska rin ang delivery receipt na pir­mado ng isang nagnga­nga­lang Ping Yu. Nadis­kub­re rin ng mga awtoridad ang 700 dram na pinanini­wa­laang nag­lala­man ng na­kalalasong kemikal sa ba­kanteng lote sa nabang­git na barangay na pag-aari ni Fely Con­cepcion.

Ayon kay Barangay Chair­­man Pedro Aven­daño, mata­gal nang inire­reklamo ng mga residente ang ma­sang­sang na amoy mula sa ba­kan­teng lote na sinasa­bing pinagtatapunan ng kemikal.

Kapag napatunayang na­kalalasong kemikal ang la­man ng mga dram ay ka­kasuhan ang mga suspek at ang may-ari ng bakanteng lote na gi­na­gamit na imba­kan. Dino Balabo

ARAM ES

AYON

BARANGAY CHAIR

BLANDINO CA

BRGY

CHIEF INSPECTOR RENE CASIS

DINO BALABO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with