Rebelde nabitag
April 26, 2008 | 12:00am
Nasakote ng militar ang isang kilabot na lider ng New People’s Army na sangkot sa extortion sa kahabaan ng Domiroc Bridge, Barangay Lampasan, Misamis Oriental, kamakalawa.
Kinilala ni Army Spokesman Lt. Col. Ernesto Torres Jr., ang suspek na si Eusebio Hadraque alyas Ka Boyax, Commander ng Rehiyon Sentro de Grabidad 2, Regional Operational Command ng Western Mindanao Regional Party Committee.
Nasamsam mula sa pag-iingat nito ang isang M14 rifle, anim na magazine ng M 16 rifle at 125 rounds ng bala. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest