^

Probinsiya

7-anyos ni-rape ng 11-anyos

-

CEBU – Mukhang pabata nang pabata ang nagiging suspek sa kasong rape kung saan isang 7-anyos na babae ang iniulat na hinalay ng isang 11-anyos na lalaki sa madamong bahagi ng Barangay Guiwanon sa bayan ng Ginatilan, Cebu kamakalawa.

Sa ulat ni SPO2 Arnold Umana, duty investigator sa Ginatilan police station, ang biktimang grade 1 pupil sa ele­mentary school ay anak ng mag-asawang magsasaka sa nabanggit na barangay habang ang suspek na naninirahan sa Barangay Candis sa bayan ng Badian ay nasa custody ng local na Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa ulat, naglalaro ng basketball ang suspek nang lapitan at yayain ng biktima sa madamong lugar.

“Pag-abot nila sa kalibunan, mihigda man daw ang babaye unya iyang giingnan ang lalake nga pag-ubo. Ang babaye man daw ang nanghagad,” pahayag ni SPO2 Umana base sa salaysay ng suspek.

Nadiskubre ang insidente matapos na makita ng ina na nahirapang umihi ang biktima at nakitang may dugo sa underwear nito na palatandaang hinalay.

Kasalukuyang inilapit ang kaso sa DSWD habang ang biktima ay sumailalim sa medical examination. Garry B. Lao

vuukle comment

ARNOLD UMANA

AYON

BARANGAY CANDIS

BARANGAY GUIWANON

CEBU

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GARRY B

GINATILAN

KASALUKUYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with