Anak ng ex-vice mayor itinumba

BATANGAS — Pi­nag­babaril hanggang sa ma­patay ang isang 42-anyos na anak ng dating vice mayor ng Laurel, Batan­gas ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan sa harap ng sabungan sa Barangay Darasa, Tana­uan City, Batangas no­ong Linggo ng madaling-araw.

Napu­ru­han sa kata­wan ang biktimang si Teddy Agojo ng Baran­gay Pan­tay, Laurel, Batan­gas at anak ni ex-Laurel Vice Mayor Ro­dolfo Agojo. Ayon sa ulat ni P/Supt. Jose Pu­mida, Tanauan police chief, papalabas na si Agojo sa Darasa Cock­pit Arena nang salu­bungin at pag­babarilin ng dalawang armado  lalaki bandang alas-3 ng mada­ling-araw.

Sinisilip ng mga im­bes­tigador ang moti­ bong may kaugna­yan sa droga ang posib­leng dahilan ng krimen. (Arnell Ozaeta)

Show comments