^

Probinsiya

Love triangle sa Laguna, Tinedyer todas sa matadero

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Madugong pagwawakas ang sinapit sa pag-ibig ng isang 19-anyos na tinedyer makaraang mapatay  ng isang matadero na  ka-live-in partner ng kanyang nililigawan sa bayan ng Los Baños, Laguna kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr. Laguna police director, ang biktimang si Jansen Maglente, store helper at residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, papasok na ng trabaho si Jansen kasama ang kapatid na babae sa pinagtatrabahuhan nilang tindahan sa Barangay Batong Malaki Public Market nang harangin ng suspek na si Antonio Belloga, 27, ng Barangay Maahas Los Baños, Laguna bandang alas-4:40 ng madaling-araw.

Sa salaysay ng kapatid ni Jansen, mabilis na bumunot ng kutsilyo ang suspek at pinagsasaksak ang biktima matapos sambitin ang katagang, - “bakit ayaw mong lubayan si Amor”.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, si Amor ang ka-live-in partner ni Belloga, na nililigawan naman ng biktima.

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek mata­pos tumakas sa isinagawang krimen. Arnell Ozaeta at Joy Cantos

ANTONIO BELLOGA

ARNELL OZAETA

BARANGAY BATONG MALAKI PUBLIC MARKET

BARANGAY MAAHAS LOS BA

FELIPE ROJAS

JANSEN

JANSEN MAGLENTE

JOY CANTOS

JR. LAGUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with