^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

2 ‘manananggal’ arestado

STA. MARIA, Bulacan — “Manananggal! Mana­nanggal!”

Ito ang sigaw ng isang residente ng bayang ito na nakatawag pansin sa nagpapatrulyang pulis kaya’t dinakip ang dalawang lalaking naaktuhang nilalagare ang tubong bakal na nakakabit sa metro ng tubig kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan habang nakapiit, ang mga suspek na sina Joseph Rapanan y Lucelo, 25, isang construction worker at RJ Miranda y  Date, kapwa residente ng Sitio Paso, Brgy. Bagaguin, Sta. Maria. Nasamsam ng pulisya mula sa mga suspek ang limang tubong tinanggal mula sa metro ng tubig at isang lagareng bakal. (Dino Balabo)

Mag-utol tiklo sa murder

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Bumagsak sa ka­may ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group  at 5TH Police Regional Mobile Group ang mag-utol na suspek sa pamamaslang sa isang barangay chairman noong Disyembre 2007 sa isinagawang ope­rasyon kahapon ng umaga sa Barangay Sapa, Pilar, Sor­sogon. Sumailalim na sa tactical interrogation ang mag-utol na suspek na sina Rommel Lanuza, dating sundalo ng Phil. Army at Noli Lanuza, dating sundalo ng Phil. Marines at kapwa may-asawa at residente ng naturang lugar. Ayon kay P/Senior Insp. Cesar Dalonos, dinakip ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Madrid ng Sorsogon City Regional Trial Court Branch 51.  Ang mag-utol ay pangunahing mga suspek sa pagpatay kay Chairman Rodolfo “Omping” Apuli ng Brgy. Himagaan, Donsol, Sorsogon. Nasamsam sa mag-utol ang 2 - M16 Armalite rifle, 2- .38 cal. pistol, isang rifle grenade at mga bala. (Ed Casulla)

P500-M school itatayo sa Bataan

BATAAN — Sa kauna-unahang pagkakataon, itatayo na ang pinakamalaking International School of Theology sa may 16 ektaryang lupain sa Barangay Liyang sa bayan ng Pilar, Bataan. Sa pahayag ni Pilar Mayor Charlie Pi­zarro, sisimulan na ang pagtatayo ng mga pundasyon ng 500 milyong gusali na may limang palapag at tatawaging New Wave Ministry na pag-aari ng isang Korean investor. Aabot naman sa 1,000 mag-aaral ang magkakasya sa itatayong eskuwelahan na inaasahang matatapos sa susunod na taon. Inaasahan namang mabibigyan ng maraming trabaho ang mga taga-Bataan kapag na­kompleto na ang nasabing eskuwelahan, ayon pa kay Mayor Pizarro. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

BARANGAY LIYANG

BARANGAY SAPA

BRGY

CESAR DALONOS

CHAIRMAN RODOLFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with