3 lunod sa beach resort

Tatlong sibilyan ang ini­ulat na nasawi makaraang malunod habang nagsi-swimming sa beach resort sa bayan ng Lingayen, Pangasinan noong Se­mana Santa. Kabilang sa mga biktimang narekober ang mga bangkay ay sina Neil Bautista, Arnel Teo­doro at si Rogelio Macapili. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 1 na isinu­mite sa Camp Crame, na­ganap ang insidente sa Lingayen Beach dakong alas-3:45 ng hapon.

Sa pahayag ng mga ka­ibigan ng mga biktima, nag-swimming sa nasa­bing beach resort nang tangayin ng malakas na alon si Rob Louie Rosales kaya pinag­tulungang iligtas ng tatlo.

Matapos na mailigtas si Rosales ay nagbuwis na­man ng buhay matapos ta­ngayin ng malakas na alon, ang magkakaibigan.

Narekober naman ng rescue team ang tatlo na pawang idineklarang patay sa Sto. Niño Hospital sa Lingayen, Pangasinan.

Ang mga labi ng magka­kaibigan na nagsilbing ba­yani ay inihatid na sa ka­nilang mga pamilya. (Joy Cantos)

Show comments