^

Probinsiya

Mt. Banahaw dadagsain dahil sa talisman

-

DOLORES,Quezon – Hindi lamang mga deboto ang nagtutungo ngayon sa Bundok Banahaw, dagsa na rin ang mga naghahanap ng talisman o anting-anting at hinihintay na lamang nila ang Biyernes Santo.

Bagamat idineklara ng lokal na pamahalaan na bawal ang umakyat sa Mt. Banahaw ay marami pa ring naka­kalusot partikular na ang mga naghahanap ng an­ting-anting at tinutungo nila ang mga kuweba .

Maging ang mga albularyo ay naghahanap ng an­ting-anting para makapanggamot ng ibat-ibang uri ng ka­ramdaman.

Sa pagdagsa ng mga umaakyat sa Mt. Banahaw ay tambak na basura ang kanilang iniiwan kung kaya patuloy na nananawagan ang mga awtoridad na sundin ang panuntunan ng lokal na pamahalaan.

Bukod sa sinasabing mapaghimala at tahanan ng ibat-ibang uri ng agimat, ang nasabing bundok ay pangu­nahing pinagkukunan din ng inuming tubig ng mga residente ng Candelaria, Sariaya, Tayabas City, Lucena City at mga bayan sa Laguna. (Tony Sandoval)

BAGAMAT

BANAHAW

BIYERNES SANTO

BUNDOK BANAHAW

LUCENA CITY

TAYABAS CITY

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with