^

Probinsiya

2 pulis isinangkot sa holdapan

-

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Dalawang pulis-Jaen na isinasangkot sa panghoholdap sa isang negosyante noong Lunes ng Marso 11 sa kahabaan ng Ma­harlika Highway sa Ca­banatuan City, Nueva Ecija ang isinailalim sa preventive suspension.

Positibong kinilala ng biktimang si Benito dela Cruz, 52, ng Barangay 127 Lourdes sa bayan ng Sta. Rosa, Nue­va City, ang mga suspek na sina SPO1 Francisco Cata­bas at PO3 Edgar de Guz­man.

Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Eliseo Cruz, kay P/Senior Supt. Napoleon C. Taas, provincial police director, ang mga suspek ay kabilang sa apat na kalala­kihang nang­holdap sa biktima ng P.5 milyon.

Nabatid sa ulat na ang mga suspek ay unang kina­suhan ng robbery with frustrated homicide, kasama ang dalawang iba pa dahil sa pagnanakaw at pag­tang­kang pagpatay sa isang Hapones na si Shigeru Tanoue sa hotel room ng King Jr. Court  sa Kapitan Pepe Subdivision, noong Hunyo 19, 2006.

Subalit na-dismiss ang kaso matapos na hindi du­malo si Tanoue sa mga pag­dinig sa korte at nawa­lan ng interest na ipagpa­tuloy ang kaso.

Napag-alaman din na si Catabas ay isa rin sa apat na nang-holdap kay Cyn­thia Daylin ng P450,000 noong Enero 10 sa Ba­rangay Bar­rera subalit ang biktima ay hindi na nagbalik sa istasyon ng  pulis  pag­katapos  na ipag­harap ng reklamo si Catabas. (Christian Ryan Sta. Ana)

CATABAS

CHRISTIAN RYAN STA

ELISEO CRUZ

FRANCISCO CATA

KAPITAN PEPE SUBDIVISION

KING JR. COURT

NAPOLEON C

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with